Langaw, di makahinga, kabag sa tiyan sa fishkill

HINDI biro-biro ang pag-alingasaw ng mga patay na isda sa mga lugar na tinatamaan ng fishkill.

Hindi lang nasusuka at kinakabagan ang mamamayan.

Mayroong hindi makahinga at lalong lumalala ang kalagayan ng mga maysakit gaya ng mga may hika.

Ang mga matatanda at bata, kabilang na ang mga beybi, ang sinasabing grabeng natatamaan ng masangsang na amoy.

Pero hindi lang amoy, Suki, ang problema.

Mayroon na ring mga langaw.

Paano kung magdagsaan ang mga langaw na galing sa mga inuuod na isda at dadapo sa ating mga tahanan, plato, pagkain at iba pa?

Paano rin ang mga nalalason sa pag-ulam ng mga isda dahil sa kagagawan ng mga fish dealer at may-ari ng mga fishpen at fish cage?

oOo

Talaga namang hindi pupuwedeng gawing biro ang matinding baho at mga mikrobyo na galing sa mga patay na isda.

Kalusugan pa lamang ang nasa panganib ngayon.

Pero paano kung aabot ang lahat sa kamatayan?

Naiisip natin, Suki, ang mga may kagagawan sa fishkill.

Paano pananagutin ang mga hindi sumunod sa mga patakaran sa fishpen at fish cage na simula ng fishkill?

Paano ang mga opisyal ng bayan na nagbigay ng pahintulot na mag-operate ang mga mapagsamantalang fishpen at fish cage operator?

Sa pagkakaospital (o pagkamatay) ng mga biktima ng fishkill, sino-sino ang mga mananagot?

oOo

Dapat magtulong-tulong ang lahat ng mga sangay ng pamahalaan para proteksyunan si Juan sa sakit o kamatayan.

Dapat ding umalalay ang mga ito sa paghahanap ni Juan ng katarungan sakaling umabot ang lahat sa pagkakaospital at kamatayan.

O paano, huh?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply