Lantsa sumabog sa Camarines Sur, kapitan patawirin

PATAWIRIN ngayon ang kapitan ng MV STC Jeffery Roy habang 11 pa ang sugatan makaraang sumabog ang naturang lantsa sa Pasacao port sa Camarines Sur dakong 10:30 kagabi.

Nasa intensive care unit (ICU) ngayon ng Bicol Medical Center ang kapitan na si Nathan Balbona habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Jerwin Roy Biseni, Rolly Legarda, Francis Rubio, Jobert Rivas, Jamiro Rivas, Dennis Rivas, Irasmor Rosero, Loreto Mangarin, Jenson Roy Rina, at iba pa na kinilala lamang bilang “Ning” at “Jetman.”

Nabatid na mula sa Mabini, San Fernando, Romblon ang naturang lantsa kung saan may nag-spark umano sa makina nito na naging sanhi ng pagsabog kung saan may lulan din ito ng gasolina.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagsabog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply