LeBron James hirap ipanalo ang Heat

HINDI pa rin umubra ang triple-double performance ni Miami Heat superstar LeBron James dahil natalo pa rin ang kanyang koponan sa Dallas Mavericks, 103-112 sa game 5 ng nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association, ( NBA) Finals, Biyernes ng umaga.

Tumikada si two-time NBA MVP James ng 17, points, 10 rebounds at 10 assists subalit kinapos pa rin kaya nakuha ng Mavericks ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

“I could have made a couple of more plays for my team,” wika ni James. “But at the end of the day, all it’s about is a win or a loss. Triple-double means absolutely nothing in a loss. So we will be better in Game 6 on Sunday.”

Ilalaro ang Game 6 sa Miami kung saan ay inaasahang magpapakamatay sa opensa si Mavericks star player Dirk Nowitzki upang makuha ang inaasam-asam na NBA title.

“We didn’t want to go to Miami and give them basically two shots to close us out. So we kept plugging there in the fourth. So definitely a big win for us,” sabi ni Nowitzki matapos umiskor ng 29 pts., six boards at three assists. “And now we have to go down there and basically approach Sunday’s game as Game 7.”

Tabla ang score sa 100 matapos isalpak ni Jason Terry ang three-point play may 3:23 pa ang nalalabi sa fourth canto.

Sa sumunod na possesion sumablay si James at nakuha ng Mavericks ang bola kaya naman ng maipasa kay Nowitzki ay nakalusot ito upang i dunk ang bola at makuha muli ang lamang, 102-100 may 2:45 ang natitira sa huling quarter.

“We are getting the same looks we knew we would get,” ani Terry. “After Games 1 and 2, you watch it on film, you see it and then you realize you’re going to have the opportunities. I said to myself, I said to my teammates, we’re not going to continue to miss those open shots that we’re getting.”

Sa fourth canto nagpa-ulan ng three point plays ang Mavericks kaya nahirapan ang Heat na makahabol.

Kumana ng 9-0 run ang Heat at sa isang three-point shot ni star player Dwyane Wade ay nakalamang ang sila, 99-95 may 4:38 pa ang natitira para tumunog ng final buzzer.

Subalit inagapan agad ng Mavs ang pagliyab ng Heat kaya sumagot agad ang una ng 10-1 run matapos isalpak ni veteran Jason Kidd ang three pointer upang mabalik sa kanila ang lamang, 105-100.

“We made more shots,”saad ni Dallas coach Rick Carlisle. “We did a lot of good things defensively, which led to good offense. …You never know when the games are going to go that way. The thing we’ve got to do is we’ve got to make sure our defense is consistent.”

Tumulong sa opensa ng Mavs si Terry na may 21 puntos habang 17 ang ginawa ni J.J Barea at tig 13 puntos sina Kidd at Tyson Chandler.

Si Wade na nagkaroon ng hip injury sa first quarter ay kumana ng 23 points, eigth assists at dalawang rebounds habang 19 pts., 10 boards at isang assist ang naambag ni Chris Bosh para sa Heat.

“I don’t talk about injuries,” ani Wade. “It was unfortunate I had to leave the game, but I came back and finished it.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply