Leksiyong nakuha kay ‘Ondoy’

ANG trahedya, bigla kung sumalakay.

Ang halimbawa nitong nag-iwan ng tatak sa isipan ng mga Pinoy ay ang madilim na ala-ala ni ‘Ondoy.’

Biglaan ang pagdating  ng bagyong Ondoy noong 2009. Sa isang iglap, nag-ukit ito ng kasaysayang habang panahon na maaalala natin.

Maraming Juan dela Cruz ang nagbuwis ng buhay, bukod pa sa bilyong halaga ng ari-arian na sinalanta ng baha.

Kung ilang buwan at tumagal pa ng taon ang lumipas bago muling nakabangon ang mga naapektuhan, partikular ang Marikina.

Ang lungsod na ito ang nakaranas ng pinakamatinding sakuna sa kamay ni Ondoy dahil sa dami ng namatay at nasirang ari-arian.

“Di lang Marikina ang nakaranas ng hirap, kundi ang iba pang lungsod at bayan sa Metro Manila, kabilang na ang Malabon.

Kapansin-pansing pagkatapos ng pagsalakay ni Ondoy, naging usap-usapan sa LGUs ang iniwan nitong madilim na ala-ala.

Naging sensitibo ang liderato ng bawat lungsod at bayan,‘di lang sa Metro Manila kundi ang iba pang lider sa mga lalawigan.

Kumbaga, nagising ang mayors, governors, atbp.  dahil sa tindi ng problemang iniwan ni Ondoy sa kanyang pagsalakay.

Noong nakaraang linggo, marami ang nag-akala na muling  susuong sa panganib ang mga taga-Metro Manila sa bagyong Falcon.

Pero, sa pagkakataong ito, naging maagap ang LGUs sa paghahanda. Kaagad nailikas ang mga maaapektuhan ng baha.

Sa Marikina, naging handa ang city disaster workers sa kanilang responsibilidad, ganundin ang kanilang city social workers.

Ang lungsod ng Malabon at iba pang siyudad sa Camanava na kilalang flood prone areas, maayos ding ginampanan ang trabaho.

Siyempre, ang tulong ng Metro Manila Development Authority,
kapulisan, AFP at  private sectors ay ‘di dapat balewalain.

Dahil sa kanilang assistance, malaki ang naitulong para masagip ang mga binaha nating mga kababayan sa kapahamakan.

Sa  ipinakitang kahandaan na pinalakas pa ng ugaling ‘bayanihan’ sa pagragasa ni Falcon, maliwanag na may nakuha tayong leksiyon kay
Ondoy. Sana ang leksiyon na yan ay manatili at ating mapanghawakan.
at mahal na bilihin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply