Libreng parking lot sa malls iginiit

MAGIGING libre na ang parking sa shopping malls, eskwelahan, ospital, hotel at iba pang business establishment sa kanilang mga customers at kliyente kapag naipasa ang batas ukol sa parking fee.

Ayon kay Alagad Rep. Rodante Marcoleta, sa ilalim ng House Bill 4535, malilibre ng tatlong oras ang parking ng mga sasakyan.

Hindi umano nila ipagbabawal ang pagsingil ng koleksyon ng parking fees ngunit kailangan umanong maiayos ito para sa ikabubuti ng lahat.

Aniya, dapat lang na may parking facilities para sa mga consumer at kliyente ang business establishments upang makaagapay sa kumpetisyon sa mga mall na walang parking facilities.

Ngunit hindi umano sila dapat sumingil ng hindi makatarungang parking fees.

Ani Marcoleta, isa itong paraan upang magkaroon ng diskriminasyon sa mga consumer.

Sa nasabing panukalang batas, bawal sa business establishments tulad ng shopping malls, iskwelahan, ospital at hotel ang sumingil ng parking fees sa unang tatlong oras na pumasok ang kanilang customer sa kanilang parking area.
Gayunman, pwede silang maningil ng parking fee sa mga customer kapag ang mga ito ay sumobra na sa tatlong oras.

Ang customer naman umano na nakapamili o nakagamit ng serbisyong P1,000 o higit pa ay makakakuha ng 10 porsiyentong parking fee rebate.

Pagmumultahin ng P50,000 at ikukulong ng hindi kukulangin sa anim na buwan ang alinmang establisimyentong lalabag sa nasabing batas.

Ani Marcoleta, patakaran ng bansa na protektahan ang interes ng mga mamimili, palaganapin ang ikabubuti ng nakararami at magpatupad ng standards of conduct sa mga negosyo at industriya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply