Libreng sakay sa MRT, LRT sa Hunyo 12

MAGPAPASAKAY ng libre ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) bukas ng Linggo, Hunyo 12, sa pagdiriwang ng Independence Day.

Epektibo ang libreng sakay ng mga tren simula alas-siyete hanggang alas-nuwebe ng umaga (7:00 a.m.-9:00 a.m.) at magsisimula ulit ng alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi (5:00 p.m.-7:00 p.m.), ayon sa mga rail transit officials.

Ayon sa mga ulat, sinabi ni MRT general manager, Roberto Lastimoso, na ito ay ang kauna-unahang pagkakataon na magbibigay sila ng libreng sakay sa paggunita ng nasabing kaarawan.

Ayon naman kay LRT spokesperson, Jinky Jorgio, nagbibigay naman ng libreng sakay ang LRT taon-taon sa pagaalala ng Araw ng Kalayaan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply