Lifeline subsidy ‘pabor sa mahihirap’

IKINATUWA ni Senate President Juan Ponce Enrile ang paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa apat na panukalang batas. kabilang ang lifeline rate subsidy na makatutulong sa mahihirap.

Kabilang sa apat na panukala na nilagdaan nitong Martes ang: Senate Bill 2846 na naglalayong amiyendahan ang RA 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ng 2001 na pinalawig ng panibagong 10 taon ang lifeline rate; ang Senate Joint Resolution No. 9, na nagpapalawig sa Joint Congressional Power Commission; ang SB 127 na magkakaroon ng mandatory basic immunization sa lahat ng limang taong bata pababa laban sa sakit na nasusugpo ng bakuna; at Senate Bill 2710 na pinapayagan ang kababaihan na magtrabaho sa gabi.

“Kung hindi naisabatas ang Senate Bill 2846 na naglalawig sa lifeline rate subsidy ng panibagong sampung taon, mahaharap ang consumer ng mas mataas na singil sa elekstrisidad kapag naidala ang kanilang electric bill sa Hulyo,” ayon kay Enrile.

Nakapaloob  sa EPIRA Law ang discounted rates para sa marginalized end-user sa loob ng 10 taon o hanggang June 26, 2011.

Sa ilalim ng lifeline subsidy scheme, magbabayad ng extra cost ang residential consumer na nasa mas mataas na consumption bracket bilang subsidyo sa mahihirap na pamilya.

Sa kabilang banda, layunin naman ng  Senate Joint Resolution NO. 9 na pinalalawig ang Joint Congressional Power Commission (JCPC) sa loob ng sampungn taon upang matiyak na ang layunin at adhikain ng EPIRA Law of 2001 at Renewable Energy Act of 2008 ay makakamit.

Ikinatuwa din ni Enrile ang paglagda ng Pangulo sa Senate Bill 2710 na inaamendahan ang Article 120 ng Labor Code na nagbabawal sa kababaihan na magtrabaho sa gabi sa industriyal, komersiyal at agricultural.

“By signing SB 2710, the President acknowledges the right of women to have equal opportunities in the workforce, and gives them more than a fighting chance in helping their husbands uplift the lives of their families,” giit ni Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply