Lima patay sa pag-ulan sa Mindanao

LIMANG katao ang iniulat na namatay sanhi nang walang tigil na pag-ulan sa Maguindanao at South Cotabato sa rehiyon ng Mindanao ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council nitong Lunes.

Sa ulat na isinumite kay NDRRMC Administrator Usec Benito Ramos, sampung bayan sa  Maguindanao sa paligid ng Liguasan marshland ang patuloy na nakalubog sa tubig-baha dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Sa ulat, tatlong kalalakihan ang namatay sa pagkalunod sa Libungan at  Pikit, North Cotabato dahil sa lakas ng agos ng ilog.

Kinilalaa ang mga biktima na sina Roberto Argoncillo at kapatid na si Rommel, kapwa nalunod sa Libungan River sa  North Cotabato.

Habang isang  Rudy Aperdo ng  Pikit, North Cotabato ang nalunod naman sa Pagalungan river.

Sina Ugka Unos at kapatid na si Ramos ay nalunod sa  Malitubog River sa bayan ng  Carmen,  North Cotabato.

Tumatawid umano ang daalwa kasama ang boat operator na kinilalalang si Magki Katog sa Malitubog River nitong Linggo nang bigla silang tangayin ng malaks na agos kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang kanilang mga katawan.

Umaabot na sa humigit kumulang 100 libong katao ang apektado ng pagbaha bayan ng  Carmen, Pikit at Kabacan sa  North Cotabato at  Pagalungan sa Maguindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply