DEHP-tainted products lists inilabas ng TFDA

INILABAS na ng Taiwan Food and Drugs Administration (TFDA) ang listahan ng Di (2-ethylhexyl) phthalate chemical (DEHP)-tainted food products mula sa kanilang bansa.

Sa website ng TFDA, nabatid na kabilang sa mga nasabing produkto ay ang Nature House Lactic Acid Bacteria (apple vinegar-flavored lactic acid powder) na gawa ng King Car Group; Skinny Dietary Drinks ng Chang Gung Biotechnology Corp.;  Taiwan Sugar Ginger Clam Tablets ng Taiwan Sugar Corporation at Dongli Sports Drinks at Dongli Lemon Sports Drinks.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang health officials ng bansa sa Bureau of Customs (BOC) para matiyak na ligtas ang publiko sa mga “high-risk” products galing Taiwan.

Partikular na tinututukan ng Philippine Food and Drugs Aministration (FDA) ang mga mag-aaral na magbabalik-eskwela na sa Lunes (Hunyo 6).

Ipinag-utos na rin ng FDA sa mga supermarket at mga retail store ang pag-recall sa Taiwanese products na pinaniniwalaang kontaminado ng DEHP.

Nilinaw nito na sa ngayon ay wala pa namang natatanggap na report o reklamo ang FDA hinggil sa posibleng kaso ng food poisoning dahil sa mga nasabing produkto.

Una ng sinabi ng FDA na ligtas naman ang DEHP kung mababang dosage lamang ngunit ang mataas na dosage at mahabang exposure dito ay mayroong masamang epekto sa kalusugan.

“Children are especially prone to the harmful effects of high doses of DEHP or to repeated exposure, which can lead to testicular effects, fertility problems and toxicity to kidneys,” bahagi ng advisory na unang inilabas ng FDA.

Ang DEHP ay ginagamit bilang ‘plasticizer’ sa paggawa ng mga articles tulad ng medical devices, intravenous bags at tubing, blood bags at infusion tubings at nasogastric tubes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply