Live bomb natagpuan sa junk shop

APAT na live bomb na yari sa fragmentation rifle grenade ang narekober ng mga operating units ng Zambonga Police-Explosive Ordnance team sa isang junk shop sa Barangay Divisoria, east coast ng siyudad.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nabatid na ang may-ari umano ng naturang junk shop, na nakilalang si Roger Delos Reyes, ay tumawag sa istasyon ng pulisya para i-report ang apat na military type ordinance ang nadiskubre ng kanyang empleyado habang inaayos nito ang mga scrap metals sa shop.

Isang team ng bomb squad mula Zamboanga City Police Office sa pangunguna ni S/Insp. Caesar Memoraccion ang rumesponde at nabawi ang apat na serviceable fragmentation at rifle grenades.

Ayon sa mga awtoridad, kung hindi ito kaagad nai-report ng may-ari ng junk shop at hindi napansin ay posibleng malaking pinsala ang matamo sa posibleng pagsabog.

Hawak na sa kasalukuyan ng bomb squad team ang apat na narecover na explosive.

Samanatala, nadiskubre naman ng militar ang isang hinhinalang sattelite camp ng mga bandidong Abu Sayaff sa Barangay Kapayawan, Isabela City, Basilan.

Ayon kay Philippine Army spokesman, Antonio Parlade Jr., ito ay kasunod nang maganap ang enkuwentro sa pagitan ng 4th Special Forces Batallion ng Philippine Army at ang “lawless group” sa Sitio Caroh, ngunit nagawang makapuslit ng mga bandido sa militar.

Naiwan naman ng mga ito ang ilang matataas na kalibre ng baril gaya ng isang M16 at M14 rifles, mga bala at eletronic gadgets.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply