Live coverage ng paglilitis sa Ampatuans ikinatuwa ng Kamara

MAY ngangamba ngunit may mga mambabatas din na ikinatuwa ang desisyon ng Korte Suprema sa live coverage ng paglilitis sa Ampatuan massacre.

Ani CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, bagamat may mga positibong epekto ang live coverage ay meron din itong kaakibat na negatibong epekto gaya ng posibleng magkaroon ng “trial by publicity” sa panig ng akusado at posibleng panay grandstanding lamang ang gagawin ng mga abogado rito.

Maging si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ay nababahala na baka maapektuhan ng mga nakatutok na kamera at opinyon ng tao ang gagawing desisyon ng korte.

Paliwanag ng kongresista na kailangang maipaalala sa mga abogado ang pagiging responsable at ang pinakalayunin na malutas at mabigyang hustisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre.

Kumbinsido naman si AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones sa pasya ng SC na isang camera set up lamang ang pwede sa live coverage para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga biktima at mga akusado.

Kinatigan naman nina Gabriela Rep. Luz Ilagan, Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang desisyong ito ng SC dahil palatandaan ito ng pagiging transparent.

Sa ganitong paraan din anila ay malilinawan ang taumbayan ukol sa development sa kaso at pagtiyak na rin sa pamilya ng mga biktima sa pag-usad ng paglilitis.

Para kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, isang public concern ang Maguindanao massacre at karapatan ng mamamayan ang maimpormahan sa nagaganap na pagsisiyasat sa kaso.

Pinuri rin ni Senador Francis “Kiko” Pangiliinan ang Korte Suprema sa pagpabor sa media live coverage sa paglilitis sa karumal- dumal na Maguindanao Massacre.

Ayon kay Pangilinan, nararapat lamang na magkaroon ng transparency sa mga paglilitis sa karumal-dumal na krimen, tulad ng sa Maguindanao Massacre.

Magugunita na naghain noong Nobyembre 2010 si Pangilinan ng Senate Resolution No.186 na naglalayon ng pagsasapubliko ng mga matataas na krimen para sa kapakanan ng mga  biktima na humihingi ng hustisya.

“It would be in the best interest of our judiciary to have transparency in the judicial process, especially in such an unprecedented case of brutality,” ani Kiko sa kanyang resolusyon.

Naniniwala si Pangilinan ang pagsasa-live coverage ng naturang paglilitis sa korte ay magkakaroon ng mabilis at makatarungang paglilitiis na kung saan ay nakatuon ang buong mundo  dito.

“Transparency will help uphold the reputation of our courts and will eliminate doubts in the minds of our countrymen” wika pa ni Pangilinan.

“Trial has dragged on for more than a year and the victims and their families are hungry for justice. And this is a step towards the right direction for justice of the Maguindanao massacre victim, “ dagdag pa ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply