Live coverage sa Ampatuan trial, pabor sa biktima

NANINIWALA si Sen. Alan Peter Cayetano na hindi lamang maganda sa paningin ng publiko ang pagkakaroon ng live coverage sa paglilitis sa angkan ng Ampatuan hinggil sa Maguindanao massacre kundi pabor din ito sa pamilya ng biktima.

Ayon kay Cayetano na magkakaroon ng pagkakataon ang publiko kabilang ang pamilya ng biktima na makita ang ebidensiya at performace ng mga prosecutor sa paglilitis na hindi matutunghayan kapag walang live coverage.

“I’ll give you an example. When the trial started marami nang issues tungkol sa mga prosecutors. ‘Pag walang live coverage, limited yung information na nalalaman ng mga tao. So can you imagine ‘yung other controversial cases, kapag ito ay allowed na may live coverage?” paliwanag ni Cayetano.

Sinabi pa ng senador na maaari pang magkaroon ng sariling webpage na naka-live stream ang paglilitis na siyang magagamit na pamamaraan upang i-monitor ang mga korte sa pagsasagawa ng paglilitis,

“Yes, you may ask that but there’ll only be a few cases that will be carried on radio and on television live. But with the presence of technology, you can even have a webpage dedicated to it kung saan naka-live streaming yung courts. And this can be recorded. So that may basis tayo,” giit ni Cayetano.

Inihayag pa ni Cayetano na hindi maaaring maapektuhan ng live coverage ang magiging desisyon ng korte o ng hukom sa partikular na kaso dahil sanay at disiplinado ang ating mga hukom sa pagpataw ng desisyon nang hindi pinakikinggan ang public pressure.

“I’ve always maintained that the difference between the Philippines and the United States is that we don’t have this jury system. And our judges and justices are more trained to be able to judge or make a decision based on the merit and not based on public pressure,” aniya.

“And I do believe that public pressure through the media or transparency is more effective in the country na ang nagiging problema hindi yung biases ng jury, kung hindi yung power of those people who have money,” dagdag ng senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply