Live coverage sa Maguindanao massacre ok na

NAGBIGAY na ng go signal ang Korte Suprema upang magkaroon ng live media coverage sa pagdinig sa Maguindanao massacre.

Nabatid na sa unanimous decision ng SC, pinayagan nito ang mga petisyon na humihiling na mai-ere nang live sa radyo at telebisyon ang pagdinig upang malaman ng publiko ang mga kaganapan sa loob ng sala ni QC RTC Judge Jocelyn Solis Reyes.

Gayunman, pinaalala ng Korte Suprema na ang live media coverage ay para lamang sa pagdinig ng Maguindanao massacre.

Ang iba pang detalye hinggil sa balita ay iaanunsyo ni Supreme Court Spokesman Midas Marquez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply