LLDA officials pinagpapaliwanag ng M’cañang

PINAGPAPALIWANAG ng Malakanyang ang mga matataas na opisyal ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) kung bakit  hindi sila dapat maharap sa administrative disciplinary proceedings dahil sa pangingikil.

Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na ang show-cause order ay partikular na ipinalabas laban kina LLDA general manager Rodrigo Cabrera, Engineering Division chief Donato Rivera Jr. at Lake Management Division head Jacqueline Dabu.

Ang kautusan ay binatay sa akusasyon ng isang fish pen owner na si Dr. Charlie Tan kung saan ay sinabi nito na may tatlong opisyal ang pilit na kinikilan siya ng pera na aniya’y malinaw na paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act (RA 3019) at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713).

Itinuro ni Tan si Cabrera at dalawang iba pang opisyal ng LLDA na aniya’y nag-demand sa kanya ng “P300,000  kapalit ng pag-apruba sa kahilingan nito na ilipat ang lugar ng kanyang fish pens.”

Dahil dito, binigyan ang tatlong opisyal ng limang araw para ihain sa Office of the Executive Secretary ang kanilang komento sa nasabing usapin.

Si Cabrera ay presidential appointee.

Batay sa kalatas, sina  Rivera at Dabu, kapwa hindi presidential appointees ay sakop ng naturang kautusan dahil sa di umano’y pakikipagsabwatan kay Cabrera.

Noong nakaraang Biyernes ay nagsumite ng 60-day leave si Cabrera  upang bigyan ang Office of the President ng “a free hand in the conduct of a fair and unprejudiced investigation.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply