Lola na lumutang sa Ilog Pasig kilala na

HINIHINALANG inihulog ang isang matandang babae na natagpuang lutang-lutang sa Ilog Pasig makaraang nakawin umano ang sidecar na kanyang tinutulugan habang nakaparada sa Recto, Maynila.

Nakilala na ang biktima na si Maria Novera, 64, balo, tubong-Naga, Bicol, ng Estero de Magdalena, C.M. Recto, Maynila.

Sa follow-up investigation na isinagawa ni SPO3 David Tuazon, nabasa umano ng kaanak ng biktima ang nailathala sa dyaryo hinggil sa nakitang bangkay na lumutang sa ilog na sakop ng Baseco Compound sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 23.

Ayon sa apo ng biktima na si Joel Novera, nagsilbing tulugan ng kanyang lola ang pinapasada nitong sidecar na nakaparada sa kanto ng Masangkay St., C.M. Recto Avenue ng lungsod.

Huli pa umano niyang nakita ang kanyang lola dakong 3:30 a.m. noong Miyerkules, subalit kinabukasan ay bigla na lamang naglaho ang kanyang sidecar kasama ang kanyang lola.

Hinala ng pulisya na tinangay ng mga magnanakaw ang sidecar at itinulak o inihagis sa Ilog Pasig ang biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply