Lolo itinumba ng 2 maskarado

TUMIMBUWANG sa kalsada ang isang negosyante nang ratratin ng dalawang kalalakihang maskarado sa Barangay Crusada, Legazpi City kaninang madaling araw, Hunyo 25.

Nagtamo ng bala ng kalibre .45 sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na nakilalang si Delfin Cedenio, 83, ng Barangay Crusada, Legaspi City.

Ikinasa na ang pagtugis sa dalawang suspek na nakasuot ng t-shirt at maong pants at itim na bonnet sa mukha.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa mismong tapat ng bahay ng biktima.

Ayon sa nakasaksi, bago ang pamamaril ay kalalabas lamang ng bahay ng biktima para mamalengke.

Hindi pa man ito nakalalayo nang biglang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang armadong kalalakihan na kapwa nakasuot ng bonnet sa mukha.

Nang masigurong patay na ang kanilang target ay tumakas ang mga salarin gamit ang isang motorsiklo na ipinarada sa halos tabi lamang ng bahay ng biktima.

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Legazpi City PNP sa naturang insidente.  Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply