Lolo nagbigti dahil sa sakit

PARA matakasan ang matinding karamdaman ay minabuti ng isang lolo na wakasan ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti Biyernes ng hapon, Hunyo 3, sa bayan ng Binangonan sa Rizal.

Kinilala ni Rizalo PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang biktima na si Eulogio Mesa, 62, residente ng Cableway, Brgy. Calumpang ng nasabing bayan.

Sa ulat, nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-4:00 ng hapon sa loob ng kanilang comfort room kung saan ay gumamit ito ng nylon cord na itinali sa kanyang leeg habang ang kabilang dulo ay sa kisame.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, kinakatok nila ang pintuan ng comfort room dahil sa halos dalawang oras na mula nang pumasok ang matanda subalit walang sumasagot.

Sa pamamagitan ng duplicate key ay binuksan nila ang pintuan at laking gulat nang makita ang nakabiting matanda kung kaya’t agad nilang ibinaba saka isinugod sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay.

Ayon pa sa mga kaanak ang biktima ay lalong patamlay nang patamlay habang dumadaan ang araw at mayroon itong taglay na complicated diseases. Jhie Convocar

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply