Lone winner ng P356-M kumubra na sa PCSO

KUMUBRA na sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang 60-anyos na barangay tanod sa kanyang napanalunang P356.5 million jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto.

Ayon kay PCSO media officer Joseph Muego, kasama ng solo winner ang anak nito nang kubrahin ang kanilang napakalaking premyo dakong alas 10:30 kaninang umaga sa PCSO Office sa Philippine International Convention Center, Pasay City.

Inihayag pa ni Muego na tatlong taon nang inaalagaan ng barangay tanod ang nanalong number combination na 5-9-19-26-30-45 na base sa petsa ng kaarawan ng kaniyang mga anak.

Maging ang mga anak nito ay hindi rin umano nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Balak umanong umuwi ng Bicol ng lone winner na matagal ng naninirahan sa squatters area sa Las Piñas City upang mamahagi ng kaniyang limpak-limpak na pera.

Nais ng P356.5 million winner na magpatayo ng bahay at magsimula ng sariling negosyo.

Kung maaalala, mahigit isang linggo naman bago kinubra ng balikbayan winner ang P741 million na premyo nito na pinakamalaking papremyo na napanalunan ng mananaya sa buong kasaysayan ng state lottery.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply