Lovi Poe handang ipakita ang keps, boobs sa pelikula!

ANO na ba ang nangyayari dito sa anak nina late FPJ at Rowena Moran na si Lovi Poe? Tumitira rin ba ito ng katol tulad ng OPM starlet na si R-Rita Enriquez? Imagine! My BFFT Pete, pagkatapos nitong rumampa ng walang panty sa fashion week ng ini-endorsong Bench at magpaka-daring sa remake ng “Tempation Island” ni Mother Lily Monteverde na nangangamoy flop, nakahanda naman daw magpakita ng kanyang keps at boobs sa big screen itong si Lovi basta’t maganda at dekalidad ang istorya at required sa script na magbare siya.

Well, nasa tamang age na ang babaing ito pero parang kadiri siya sa mga pinaggagagawa niya sa buhay lalo na sa kanyang showbiz career.

Hindi na ba talaga siya makontrol ng kanyang Mommy na si Rowena Moran? Ang business manager naman niyang si Leo Dominguez, mukhang deadma na.

Kalokah gyud!

***

Isa pang alaga ni Ms. Claire dela Fuente humahataw ang career sa TV5

SA mga hindi pa aware, ating kilalanin ang isa pang alaga ni Ms. Claire dela Fuente na si Meg Imperial na tulad nila Bela Padilla at Sam Pinto ay malaki rin ang potential na sumikat sa showbiz.

Ngayon pa nga lang eh very much sought after na si Meg sa dami ng kanyang shows sa TV 5.

Una siyang naging mainstay sa top-rater horror serye na “Midnight DJ” na pinagbibidahan ni Oyo Sotto. Pagkatapos, napanood si Meg sa ilang sitcom ng Singko. Ngayon ay mainstay na siya ng “Funtastic” at bagong youth-oriented TV program na “Bagets.”

Well, kung “K” lang din naman kasi ang pag-usapan ay winner ang nasabing talent ni Ms. Claire dahil hindi lang siya pretty at flawless kundi punung-puno din ng talent. Marami na rin ang kanyang fans na nagpa-follow sa kanyang Twitter at Facebook account.

Under contract din ng Viva Entertainment ni Boss Vic del Rosario ang nasabing newcomer-actress at co-managed sila ni Ms. Claire rito.

***

Opening number nila Dabarkads Jose, Wally at Paolo inaabangan araw-araw sa Bulaga

HALOS kalahati ng oras ng Eat Bulaga ay inilalaan nila sa kanilang public service segment na Juan for All, All for Juan Sugod-Bahay sa Barangay. Tunay naman kasing kahanga-hanga sa ganda ng konsepto ang nasabing portion na ito ng Eat Bulaga na araw-araw ay maraming mga kababayan natin sa iba’t ibang barangay sa loob at labas ng Metro Manila ang nagwawagi. Bago mag-share ng sangkatutak na blessings, antayin muna ang signal ni Bossing Vic Sotto sa Broadway Studio kung sinong residente ng barangay ang kanyang nabunot.

Inaaliw muna nila Dabarkads Jose, Wally at Paolo Ballesteros ang audience nila sa barangay sa kanilang mga OPM disco classic hits.

Pagkatapos, susugod naman sila sa bahay ng dalawang pamilya para interbiyuhin at isasalang bilang contestant ang bidang-bidang Pambato ng Video ng mga ito. P15K ang pwedeng mapanalunan ng daily winner rito at may cash namang consolation ang talunan.

At siyempre pa, may bonggang exposure na naghihintay sa inyo sa Eat Bulaga tuwing Sabado dahil dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply