Low pressure nakapasok na sa Palawan

 NAKATAWID na sa kalupaan ng Palawan ang low pressure area (LPA) na unang namataan sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng nasabing namumuong sama ng panahon sa layong 180 kilometro sa kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City.

Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto ngayon sa Visayas at Mindanao.

Pero kahit nakatawid na sa kalupaan, mananatili pa rin umano ang pagtutok dito ng PAGASA dahil may 20 porsyento pa rin umanong posibilidad na maging bagyo.

Magugunitang ang nakaraang bagyong Dodong ay nakatawid muna sa kalupaan ng Pilipinas bago naging bagyo at nag-iwan pa ng ilang kataong patay at milyun-milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply