LPA, malaki ang posibilidad na maging bagyo– Pagasa

POSIBLENG maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na patuloy sa pagdadala ng mga pag-ulan sa gitna at Katimugang Luzon at ilang bahagi ng Mindanao, iniulat ng  Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, ang naturang LPA ay namataan sa layong 30 sa kanlurang bahagi ng Olongapo City o 110 kilometro Kanluran-Hilagang Kanluran ng Metro Manila.

Sinabi ng Pagasa, apektado ng naturang LPA ang Metro Manila, Southern at Central Luzon, Mindoro, Marinduque, Northern Palawan, Romblon at Calamian group of Islands.

Ang LPA ay mayroong maximum winds na 33 hanggang 43 kilometer per hour at patungo ng Zambales area hanggang South China Sea.

Dahil dito, patuloy ang babala ng Pagasa sa mga apektadong residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply