LPA nagdudulot ng pag-ulan sa Mindanao

NAGDUDULOT ng pag-ulan sa Mindanao ang papalapit na sama ng panahon sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang isang low pressure area (LPA) sa layong 290 kilometro sa timog silangan ng Hinatuan City sa Surigao del Sur.

Nabatid na kasama sa naturang LPA ang intertropical convergence zone na siyang nakakaapekto sa bahagi ng Mindanao na dahilan ng mga kalat-kalat na pag-ulan.

Kaugnay nito, makakaranas pa rin ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang bahagi ng Luzon bunsod ng hanging habagat na pinag-ibayo ng bagyong Dodong bagamat lumabas na ng Philippine area of responsibility.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply