LPA naging bagyo na

NAGING tropical depression na Huwebes ng tanghali, Hunyo 8, ang low pressure area (LPA) at tatawagin itong bagyong “Dodong,” iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (Pagasa).

Kasabay nito, inilagay na sa signal No.1 ang Metro Manila, Bataan, Pampanga, Pangasinan, Zambales, Cavite at Tarlac.

Huling namataan ng Pagasa ang bagyong Dodong sa layong 60 kilometro ng timog-kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay ni Dodong ang lakas ng hangin na 55 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna. At tinatahak nito ang direksyong hilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlo na ang namamatay habang lima ang nawawala dahil sa walang humpay na pag-ulan mula kagabi.

Ayon kay Benito Ramos, executive director ng NDRRMC, apat sa mga nawawala ay mula sa Mindanao at ang isa naman ay isang Grade 5 pupil sa mula sa Batangas City na kahapon pa nawawala.

Samantala, sinabi rin ng Pagasa, magpapatuloy bukas ang mga pag-ulan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply