LPA namataan sa silangan ng Mindanao

HINDI pa nakaaahon sa pinasalang dulot ng bagyon Chedeng, panibagong sama ng panahon ang muling namataan sa silangan ng Mindanao.

Ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), napakalayo pa ang namumuong low pressure area (LPA) para makaapekto sa Pilipinas.

Huling namataan ang LPA sa layong 2,070 kilometro sa silangan, timog-silangan ng Mindanao.

Gayunman, makakaranas pa rin ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang bahagi ng Bicol Region, Visayas kabilang ang Palawan at Mindanao bunsod ng umiiral na intertropical convergence zone.

Una rito ay nalusaw ang dalawang LPA na huling namataan sa Hilagang Luzon at silangan ng Visayas.

Matatandaan na umaabot sa P12,328,983 milyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura na dulot ng bagyong Chedeng sa mga lalawigan ng Bicol area at Visayas area.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tatlo katao ang namatay sa hagupit ng bagyo habang umaabot sa higit 313,000 katao naman ang naapektuhan ng bagyo.

Nilinaw naman ng opisyal na ang pinsala at mga naranasang pagbaha sa ilang rehiyon ng Mindanao ay dahil sa southeast monsoon lalo na sa Zamboanga, Bukidnon, Davao del Norte at Maguindanao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply