LPG nag-rollback uli

MULING nagpatupad ng tapyas presyo ang Liquefied Petroleum Gas (LPG) kaninang hatinggabi, Biyernes, Hunyo 3.

Ayon kay LPG Marketers’ Association (LPGMA), ang bawas-presyo sa produktong LPG ay simula kaninang 12:01 a.m. P1 kada kilo o katumbas ng P11 kada tangke ang tinapyas ng LPGMA.

Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni LPGMA partylist Pres. Arnel Ty ang dahilan ng kanilang rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyo sa world market.

Nitong nakaraang May 31, nagbaba na ng presyo ang LPG subalit nagtaas naman ang presyo ng produktong gasolina.

Umabot ng P2.50 kada kilo ng LPG ang ibinaba nito na katumbas ng P27.50 kada tangke. Ang presyo naman ng premium at unleaded gasoline ay nagtaas ng P0.50 sentimo at P0.25 sentimo naman para sa presyo ng diesel.

Sinabi pa ni Ty na kahit kaliwa’t kanan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay makaka-asa naman ang publiko na masusundan pa ang ipinatupad nilang rollback.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply