LPG sumabog; 7 sugatan

PITONG katao ang nasugatan nang sumabog ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG) sa
isang apartment sa lungsod ng Roxas Huwebes ng gabi.

Dalawa sa mga biktima, na nakilalang sina Raffy Hechanova at Lito Valencia na kapwa residente ng Iloilo City, ay nasa kritikal na kondisyon matapos na magtamo ng third-degree burns sa kanilang katawan.

Sugatan din ang limang menor-de-edad na magpipinsan na sina Daniel, Hernane, Chili, Anthony at Edward matapos silang tamaan ng mga basag na salamin, na nagliparan matapos ang pagsabog at habang nakatambay ang lima sa gilid ng kalsada.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagluluto sina Hechanova at Valencia sa loob ng nirerentahang apartment nang mangyari ang pagsabog.

Natuklap ang kisame at nabasag ang mga salaming bintana ng apartment.

Napag-alaman na pag-aari ng pamilya ng alkalde ng lungsod ng Roxas na si Mayor Allan Celino ang nasabing apartment.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply