LRT palalawakin ang biyahe sa darating na taon

NAIS palawakin ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) upang mas mainam na maserbisyuhan ang mga mananakay, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA).

Sinabi ni LRTA Administrator Rafael Rodriguez na planong i-extend hanggang Cavite ang Line 1 sa Bacoor at magkaroon din ng capacity expansion ang mga tren, na kadalasa’y mayroong punuan o overcrowded.

Sinabi pa nito na pinag-aaralan ng LRTA na i-extend mula Baclaran hanggang Bacoor ang linya at magdadagdag ito ng 11.7 kilometrong riles.

Dahil dito, aabot sa 250,000 ang bilang ng mga karagdagang pasahero ang matutulungan nito upang mapabilis ang kanilang biyahe at makaiwas sa trapiko.

Naayos na rin aniya ng LRT ang pagdaraanan ng nasabing riles. Kung sakaling may nakatira man sa lugar ay ire-relocate ang mga ito sa General Trias, Cavite.

Sa ginawang pagdedetalye ni Rodriguez, ang average na pasahero ng LRT Line 1 ay 400,000 hanggang 450,000. Sakaling madagdagan ang linya ay mas madami pa ang maserserbisyuhan ng mga ito.

Bukod dito’y magkakaroon din ng expansion ang LRT Line 2 sa bandang Masinag, na sisimulan matapos ang susunod na taon.

Nagsisimula na rin ang bidding para sa extension mula sa Monumento hanggang Balintawak at SM North Edsa, upang matapos na ang loop.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply