LTO chief kampante kay DOTC Sec Roxas

KAMPANTE ang loob ni LTO chief/Asec. Virginia Torres sa pagpasok ni dating Senador Manuel Roxas sa Department of Transportation and Communication (DOTC) bilang kalihim.

Ayon kay Asec. Torres, magiging maayos ang kanilang working condition ni incoming Transport and Communication Secretary Roxas dahil maayos naman daw silang magtrabaho kung saan ang LTO ay isa sa attached agencies ng DOTC.

Sa kabila naman nito, kinuwestiyon ni Torres ang ipinataw na preventive suspension laban sa kanya ng Department of Justice (DoJ).

Ayon kay Torres, ikinagulat nila ang rekomendasyon ng Department of Justice (DoJ) na patawan agad sila ng suspensyon sa kabila ng mayroon silang komunikasyon kay DoJ Usec. Francisco Baraan na itigil muna ang pagdinig dahil mayroon silang court decision hinggil dito.

Sinabi pa ni Torres, humihingi umano ng opinyon sa DoJ ang DOTC kung may culpability ang pagkakasangkot nito sa Stradcom issue ngunit hindi umano iyon ibinigay ng DoJ.

Sa pananaw ni Torres sa pakikipag-ugnayan ng DOTC at LTO, sinabi nito na hangga’t ginagawa nila ang kanilang trabaho ay walang magiging problema.

Magugunitang pansamantalang pinag-leave ng Pangulo si Torres bunsod ng pagkakasangkot nito sa iba’t ibang kontrobersya.

Ayon sa Pangulo, kahit may rekomendasyon pa ang DoJ na sampahan ng kasong administratibo si Torres ay napagsilbihan na umano nito ang kanyang suspensyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply