LTO chief Torres balik-trabaho na

BALIK-TRABAHO na ngayong Martes si Assistant Secretary Virginia Torres, hepe ng Land Transportation Office (LTO) mula sa dalawang-buwang pagbabakasyon dulot ng pagkakasangkot nito sa isyu ng Stradcom Corp. take-over ng ahensya.

Wala namang balak pigilan ng Malakanyang ang pagbabalik ni Torres sa kabila ng kasong isinampa ng Stradcom laban dito at sa mga transport group na humihiling kay Pangulong Benigno Aquino na huwag nang paupuin muli si Torres at kalimutan ang pagiging “magkabarilan” nila sa shooting range.

Ayon kay Presidential Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang, minabuti muna ng Palasyo na hintayin ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Torres at makita kung may sapat na ebidensya laban dito bago sila umaksyon.

Madali umanong gumawa ng hakbang base sa mga naririnig na balita, subalit kailangan munang timbangin at alamin kung ano talaga ang tunay na naganap

Nauna ng inirekomenda ng DOJ ang pagsuspinde kay Torres at inakusahan siyang ng gross neglect of duty at incompetence.

Mariing tinutulan ni dating Transportation Secretary Ping de Jesus ang mga naging aksyon ni Torres sa LTO at hiniling din ang pagsibak dito.

Gayunman, tinutulan ni Aquino na ikinadismaya ni De Jesus na nagresulta sa pagbibitiw nito bilang kalihim ng Department of Transporation and Communication (DOTC). Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply