Lugi sa fishkill umabot na sa P190M

UMAKYAT na sa P190.71 milyon ang nalulugi sa fishkill sa Pangasinan at Batangas.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang  update noong Lunes, 4 p.m., umabot na sa P150 milyon ang lugi sa Region IV-A samantalang P40.71 milyon naman sa Pangasinan.

Batay pa sa NDRRMC, ang pinakahuling nasira ng fishkill ay ang 100-150 metric tons na isda na nagkakahalaga ng P7.5 milyon sa Lumanglipa, Mataas na Kahoy, Batangas.

Ayon pa sa NDRRMC, naapektuhan din ng fishkill ang 374 fish cages ng 23 operators sa Batangas at 108 cages ng 39 operators sa anim na barangay sa Pangasinan.

Dahil sa umano’y paglipana ng mga “double-dead” na bangus at tilapiang¬† na biktima ng fishkill ay umiwas sa pagbili ang mga konsyumer ng Metro Manila ng mga nasabing isda.

Kaugnay nito, nagsagawa na rin ang pulisya ng hakbang upang hindi na umabot pa sa mga merkado sa Metro Manila ang mga isdang naapektuhan ng fish kill na nakapipinsala umano sa kalusugan ng mga mamimili.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply