Luis, Jennylyn magkasama nang natutulog sa maraming gabi ng kaligayahan?

LUMALABAS na ang katotohanan tungkol sa romansang Luis Manzano at Jennylyn Mercado. While Jennylyn keeps denying na di sila officialy on at magkaibigan lamang, si Luis naman said something like that the romance is really in the works. Kumbaga, the comely actor never denies na talagang smitten siya sa alaga ni Becky Aguila.

Heto pa, isang malapit sa pamilya ni Luis ang nagsabing kitang-kita niya yung everyday progress ng relasyon ng dalawa. From the looks of it daw, talagang puwede na silang magkatuluyan, especially, boto naman daw si Edu kay Jennylyn Mercado.

At sa ngayon, nagsasama na raw ang dalawa na parang mag-asawa at may sleep over ng nangyayari, madalas si Luis daw ang nakikitulog kina Jennylyn.

We will still await yung final say ng kampo ni Luis dito, pero kinumpirma nga ng source na talagang sila na at hindi nga malayong mauwi sa kasalan ang lahat.

Pero siyempre, si Jennylyn patuloy sa kanyang mga denial.

Ayaw niyang aminin ang mga kuwentong magkasama na sila laging matulog ni Luis Manzano.

“That’s not true. May sarili siyang bahay, ‘no? We’re not on kasi ayoko pa mag-commit, hindi pa ako ready for another relationship kaya single pa rin ako officially. I don’t deny naman na I enjoy Luis’ company kasi masayahin siya. I like his sense of humor, pero hanggang du’n na lang muna dahil hindi ako nagmamadali. If ever I’d get into another relationship, hindi ko talaga mamadaliin. Next time, I want to make sure na magkakilala muna kami nang husto bago maging seryoso.”

So there!

***

Nadine Samonte bara-bara sa sa pagtanggap ng mga proyekto?

UUNAHIN na namin yung advice kay Nadine Samonte na sana, ngayong officially, nasa TV5 na siya, bigyan naman niya ng respeto ang network sa pamamagitan ng pagpapaalam at di basta basta bara-barang pagtanggap sa mga proyekto.

Noong nasa GMA-7 kasi si Nadine, madalas nitong tinatakasan ang GMA Artist Center na tumatanggap kahit barya-baryang mga fiesta shows. Kumbaga, di na niya pinadadaan pa sa GMA yung mga invitation niya. Katuwiran yata ni Nadine, tutal, napupunta lang naman sa komsiyon ng GMA yung ibang bayad kaya mas mabuting dumiretso na lang sila.

May kaunting sense, hindi po ba?

Nasabi tuloy ng isang talent manager na mistula raw laborer lang si Nadine, walang pinalalampas kahit na pamasak-butas lang siya, okey lang. Yumaman naman kaya siya?

What we could see now, hanggang sa umalis sa GMA 7 si Nadine, isa pa rin siyang dakilang starlet.

Sana sa bago niyang network, tuluyan na siyang maging star. Tutal naman, malaki ang unang proyekto niya’t ‘wag na sanang balewalain ang kanyang konrata na magdedesisyong tumanggap ng mga proyeto at tumatakas lang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply