‘Lumaya sa kahirapan’ – Pangulong Aquino

SA ISANG talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino sa Kawit, Cavite para sa Araw ng Kalayaan ay sinabi nito na kailangan ng mga Pilipino na lumaya na sa kahirapan.

Ayon sa mensahe ng Pangulo, hindi tayo lalaya sa kahirapan hangga’t mayroon mga tiwaling opisyal sa ating gobyerno. Kabilang sa kanyang ipinagmalaki ang pagbusisi ng mga transaksiyon na may bukol sa Laguna Lake Development Authority at sa ahensiya ng Department of Transportation and Communications.

Nabanggit din ng Pangulo ang 20,000 pabahay ng mga pulis at sundalo sa Bocaue, Bulacan at inaasahang masusundan ito uli dahil mababawi ito kaagad sa pamamagitan ng pagbabayad ng cash ng Pag-ibig Fund kung saan uutangin ng mga makakakuha ng bahay.

Kabilang din sa mga binaggit ay ang bagong batas na GOCC Act kung saan babantayan ang mga opisyal ng Government-owned and control corporation sa kanilang pagkuha ng labis na sweldo sa mga naturang kompanya.

Isa rin sa inihayag ang postponement ng ARMM elections at isasabay na ito sa halalan sa 2013 national elections.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply