8 luxury car di nakalusot sa Customs

NABIGO ang mga smuggler na ilusot ang walong mamahaling sasakyan o “luxury cars” nang masabat ang mga ito ng Bureau of Customs (BOC) sa Cagayan de Oro (CDO) kamakailan.

Pinaniniwalaang iligal ang mga nasabing sasakyan na nanggaling pa sa Estados Unidos at Korea.

Noon pang nakaraang Mayo 23 dumating ang mga tinutukoy na kotse sa Mindanao Container Terminal. Nakapangalan ang mga ito sa JV and A Enterprises, ayon kay Enforcer Group Deputy Commissioner Horacio Suansing Jr.

Sinabi ni Suansing na kabilang sa mga ito ay dalawang Mercedes Benz, apat na Toyota Vitz, isang Dodge Durango at isang Ford Explorer.

Ang mga sasakyan ay naharang ng grupo ni Director Nestorio Gualberto ng Enforcement and Security Service.

Sinabi naman ni Customs Commissioner Angelito Alvarez na magkakaroon ng balasahan sa hanay ng mga nasangkot na opisyal ng Mindanao Container Terminal.

Matatandaang ang balasahan ay ikalawang beses na ngayong taong ito. Ang magkakasunod na panghuhuli ay kampanya ng BOC laban sa mga iligal na kargamentong pumapasok at lumalabas sa ating bansa.

Agad din namang ipinag-utos ni Alvarez na magkaroon ng agarang imbestigasyon kung papaano at bakit nakalusot sa pier ang mga mamahaling ilegal na sasakyan.

Dagdag pa ni Alvarez, pananagutin niya ang mga tiwaling kawani ng ahensya na mapapatunayang sangkot sa iligal na operasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply