Macapagal Ave. lalagyan ng 60-kph speed limit

MATAPOS ipatupad ang speed limit sa Commonwealth highway sa Quezon City, puntirya naman ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 60 kilometer per hour (kph) na speed limit sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue sa Pasay City.

Ito ay batay sa resolusyong inaprubahan ng MMDA at ng Metro Manila Council na ipatutupad labing limang araw matapos mailathala sa mga pahayagan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang pagpapatupad ng 60-kph speed limit ay upang mapababa aniya ang bilang ng mga aksidente dulot ng mga nagda-drag racing sa Macapagal Avenue na siyang nag-uugnay sa Metro Manila patungo sa lalawigan Cavite.

Maliban dito, sinabi ni Tolentino na nagsulputan na rin ang mga shopping centers at mga establisimyento sa kahabaan ng Macapagal Avenue kaya tumataas aniya ang mga aksidente rito, lalo na aniya sa gabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply