Madre sinaksak ng sariling pamangkin

MALUBHANG nasugatan ang isang lolang madre nang pagsasaksakin ng sariling pamangkin sa General Santos City, iniulat Huwebes ng hapon.

Isinugod naman agad sa pagamutan sanhi ng tig-dalawang saksak sa bibig, dibdib at likod ang biktimang si Justina Tagda, 71, ng San Pedro St., Barangay Lagao, Gensan.

Hinahanting na ng pulisya upang panagutin sa krimen ang suspek na si Chuck Soto, 18, pamangkin ng biktima at stay in sa bahay nito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 7:30 ng gabi, Miyerkules (Hunyo 29) sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay nabatid na humihingi ng pagkain ang suspek subalit pinagkaitan umano ng biktima.

Bukod pa roon, tinalakan pa umano ng biktima ang suspek kaya marahil pinagdiliman ng paningin at nadampot ng binata ang kutsilyo sa kanilang kusina at pinagsasaksak ito.
Tumakas naman agad ang suspek kasama ang ilan sa mga kaibigan na nakasaksi sa pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply