Mag-ingat sa babaeng swindler

MAG-INGAT sa isang babaeng swindler na nagpapakilalang taga-Senate at empleyado ni Senador Loren Legarda at kung ano-ano pa.

Ang tinutukoy na swindler ay nagpapakilala sa pangalan na Mary Rose Coderes alyas Mary Rose Pacheco, Mary Rose Garcia, Rose Godenes at Mary Rose Aquino.

Ibang klase ang babaeng  ito. Pati ang  mga ahensiya ng gobyerno ay ginagamit niya sa kanyang panloloko.

Malakas ang babaeng ito sa Manila City Hall kaya hindi siya nagagalaw ng sinoman. Basahin natin ang nilalaman ng mga reklamo  ng isang nabiktima nito.

Sir Johnny, gud am.

Gusto kong ibabala sa mga tao na mag-ingat sa babaeng ang pangalan ay Mary Rose Coderes alyas Mary Rose Pacheco.

Kung minsan ay ginagamit niya ang Mary Rose Garcia o Rose Goderes at  kung minsan ay Mary Rose Aquino. Gumagamit ng iba’t ibang alyas ang babaeng  ito makapag-swindle lang sa kanyang mga binibiktima.

Minsan ay nagpapakilala siyang nagtatrabaho sa Senate at empleyado raw siya ni Sen. Loren Legarda.

Minsan nagpapakilala rin siyang taga-MERALCO o NAWASA. Kung minsan, taga-Tax payer daw siya.

Protektado siya ng kanyang  asawang si Mario Asilo ng Manila City Hall.

Madalas ding tumambay sa MPDHQ. Marami nang naloko ang babaeng ito at ilang beses na ring nakulong kaya wag siyang pagtiwalaan!!!

LOTENG SI MAYOR  ANG PADRINO

Walang tigil ang operation ng loteng nina Noynoy at Jings sa Marikina  at ginagamit nila ang pangalan ni Mayor Del de Guzman.

Walang ginagawang aksyon si Marikina COP Supt. Gabriel Lopez para matigil ang iligal na operations ng loteng  ng magpakner.

Binabalewala ng dalawa si Supt. Lopez!

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply