Mag-ingat sa UnionBank at Union Motors

BAKIT puro panlalamang sa kapwa ang ginagawa ng UnionBank at Union Motors.

Unahin natin ang buwisit na UnionBank!

Noong Biyernes ay nagbigay tayo ng instruction sa UnionBank na mag-transfer ng pondo sa isang account.

Pinakiusapan pa natin ang bangko na kung puwede ay itransfer kaagad dahil 12 p.m. ang cut off ng foreign exchange.

Alam niyo ba kung ano ang ginawa ng bobang manager ng UnionBank na si Josefa Cajayon?

Alas-2:00 na nang ipaalam sa inyong lingkod na hindi raw uubra at kailangang personal pa tayong pumunta sa bangko.

Sa inis ay personal tayong pumunta sa bangko para ipasara ang lahat ng ating account.

Alam n’yo ba, mga Bro, na tuwang-tuwa pa ang boba at sa halip na magpaliwanag sa kanyang katangahan ay para bang napakaganda na ang isang kliyente ay nagsara na ng kanyang mga account sa isang bangko.

Hooops! Kaya pala walang malasakit ang gaga ay dahil Reserve Pool Officer …yun bang “extra lang.”

Kaya pala kahit na maubos ang kliyente ng isang branch ay hindi niya ito problema.

Napakasuwerteng Union Bank at mayroon kayong isang Josefa Cajayon!

Abangan ang susunod!

oOo

Isang L-300 ang inoorder ng ULTIMATUM sa Union Motors Otis na pag-aari nitong si Anthony Ching.

Noong May 27, 2011 ang ahenteng si Wilson Sy ang nakausap ng inyong lingkod na nagyabang pa na siya na raw ang bahalang magdeposito sa order natin.

Heto ang naging raket ng mga gago d’yan sa Union Motors. May 30 nang muling tumawag ang ahente at sinabing sa Biyernes, June 3, 2011 pa raw magkakaroon ng unit galing sa planta.

Heto at dumating ang Biyernes at isang tawag na naman ang natanggap natin sa ahente.

Nandyan na raw ang unit pero ang problema ay tumaas daw ng P10,000 ang presyo, pero dahil magkaibigan daw kami ay P6,000 na lang ang itataas n’ya.

Aba’y gago ka ba o ginagago mo lang ako Wilson?

Sinabi n’yo na nagtaas ang L-300 ngayon lang Hunyo… Eh bakit hindi n’yo ini-release kaagad noong Mayo?

Paki paliwanag nga kung tama ang ginagawa n’yo?

O yan talaga ang style para makalamang kayo sa kapwa n’yo?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply