Magiging maulan pa rin: Egay palabas na ng bansa

PALABAS na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Egay ngunit makararanas pa rin ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang malawakang bahagi ng Pilipinas lalo na sa Luzon bunsod ng hanging habagat na pinag-iibayo ng bagyo.

Base sa pahayag ng Pagasa, namataan ang bagyo sa layong 160 kilometro sa hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan o 130 kilometro ng timog kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas na hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Tinatahak ni “Egay” ang direksyon patungong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Mamayang hapon ay inaasahan na makakalabas na ng karagatang sakop ng Pilipinas ang bagyong Egay at tinutumbok nito ang Timog China.

Kasalukuyan namang nakataas sa Northern Cagayan, Calayan , Babuyan Group of Islands, Batanes Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte ang signal number one.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply