Magnitude 5.3 na lindol yumanig sa Sultan Kudarat

INUGA ng magnitude 5.3 na lindol ang Sultan Kudarat area sa Mindanao kaninang madaling araw, Hunyo 25, pero walang namang inisyal na ulat na nasawi o napinsala sa nasabing insidente.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang lindol ay tectonic in origin at naitala dakong 1:23 ng medaling araw.

Sinasabi rin na ang epicenter nito ay nasa 108 km timog-kanluran ng Isulan sa Sultan Kudarat.

Gayunman, hindi naman agad nabanggit ang mga lugar kung saan naramdaman ang lindol.

Sinabi rin ng Phivolcs na aftershock na inaasahan mula sa lindol.

Samantala, sinabi ng United States Geological Survey na ang lindol ay naitala rin sa Moro Gulf area.

Ang epicenter nito ay 101 km timog-kanluran ng Cotabato; 132 km timog ng  Pagadian; 166 km silangan ng Zamboanga; at 926 km timog, timog-silangan ng Manila. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply