Magpa-publish ng footages sa Ampatuan massacre pananagutin ng SC

BINALAAN ng Korte Suprema na pananagutin ang sinumang mag-e-edit at maglalagay sa social networking site ng live coverage sa Maguindanao massacre trial.

Nagbabala rin si Supreme Court Spokesman Justice Midas Marquez na paparusahan nila bilang indibidwal at hindi ang media entity na pinaglilingkuran ng taong nag-upload ng video sa Social Networking Site ng paglilitis sa masaker.

Ipawawalang bisa rin aniya ng Korte Suprema ang permit na ibibigay nila sa media entity sakaling putulin ang live telecast kahit pa sabihing may malaking istorya o urgent news na ipapasok habang patuloy ang coverage sa Maguindanao massacre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply