Magsasaka, 6 anak nalason sa itim na kabute

SA ospital bumagsak ang isang magsasaka at kanyang anim na anak nang makakain ng nakalalasong itim na kabute sa Negros Occidental, inulat ng pulisya.

Kinilala ng Kabankalan City PNP, ang mag-aamang biktima na si Diniosio Cabu-al. 45, ang kanyang mga anak na sinaDiony, 19; Jinky, 14; Charie, 12; Margielyn, 10; Jonas, 5; at Dailyn, 3 kapwa ng Barangay Orong, Kabankalan City.

Sinuwerte namang nakaligtas ang asawa ni Cabu-al na nagdala sa kanyang mag-aama sa ospital para sa kaukulang medical attention. Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan na ang mag-aama matapos mabigyan ng kakulang gamot sa lason.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 7:30 ng gabi sa kanilang kusina.

Ayon kay Dionisio, bago ang insidente ay namitas sila ng kabuteng itim na ulo at tangkay na kulay brown sa likod ng kanilang bahay noong nakaraang Linggo para ipanghapunan.

Matapos kainin, nakaramdam sila ng pagkahilo at ang tingin nila sa kulay ng araw ay naging berde.
May nakita rin silang nagtatalunang mga kabute na iba’t ibang kulay.

Bukod pa roon, nakaramdam din sila ng panghihina kaya agad silang isinugod sa pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply