Magsasaka inatake ng sariling kalabaw, patay

PATAY ang isang magsasaka nang pagsusuwagin ng kanyang sariling kalabaw sa Agusan del Sur.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Ruben Diagrel Sanchez, 38, ng San Francisco town sa Agusan del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente kahapon sa isang madamong lugar sa kanilang barangay sa San Francisco town.

Bago ito, ipinapastol ng biktima kasama ang kanyang anak ang naturang alagang kalabaw nang biglang magwala at sa hindi malamang dahilan ay pinagsusuwag si Sanchez.

Hindi naman mapigilan ng anak ng biktima ang pagwawala ng kanilang kalabaw sa takot na baka pati siya ay pagbalingan nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply