Magsasaka nalitson sa sariling bahay

SUNOG ang isang magsasaka na nakulong sa loob ng kanyang lumiyab na bahay sa Davao del Sur, sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sunog bandang 11:00 ng gabi niton Sabado sa bahay ng biktima na nasa Barangay. Mabini, Malalag, Davao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Marcial Decierto, 40, isang magsasaka.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing posibleng himbing na himbing na pagtulog ang biktima kaya hindi namalayan ang mabilis na pagkalat ng apoy na tumupok sa kanyang bahay.

Sinasabing na-trap ang biktima dahilan upang hindi makalabas ng bahay at hindi makahinga sa makapal na usok.

Inaalam pa kung ano ang sanhi ng sunog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply