Magsasaka tinamaan ng kidlat sa Ilocos patay

PATAY ang isang magsasaka nang tamaan ng kidlat sa Ilocos Norte, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Elmar Reyes, ng San Marcelino, Ilocos Norte.

Nabatid na sakay ng kanyang kalabaw ang biktima at pauwi na sana nang biglang magdilim ang paligid kasabay ng malakas na buhos ng ulan at pagkidlat.

Dito na tinamaan ang biktima na agad namatay sa lugar ng insidente.

Nabatid na dalawa na ang unang naitalang namatay sa kidlat sa nasabing lalawigan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply