Magsaysay di uurungan si Valte sa Twitter

HINDI kuntento si Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay sa mga isinagot ni Undersecretary Abigail Valte sa kanilang palitan ng kuru-kuro sa Twitter.

Sa isang press conference, sinabi ni Magsaysay na hindi siya satisfied sa pagsasagutan nila ni Valte sa Twitter. Aniya, “actually not, I was not satisfied kasi some of the issues that I raised were being deflected.”

Nilinaw din ng kongresista na wala silang personal na alitan ni Valte kungdi siya ay direktang nagko-komento lamang sa performance ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Actually wala naman kaming problema ni Usec. Valte. Ako kasi everyday mula noong September 2010 pa lang talagang nagti-tweet na talaga ako ng mga observation ko sa PNoy administration. Most of my tweets kasi are address directly to PNoy.”

Isa sa tweet ni Magsaysay na sinagot ni Valte ay ang pagkuwestyon ng kongresista kung bakit hindi dumalo ang Presidente sa itinakdang pagpupulong ng National Disaster Council.

“Kinuwestyon ko si PNoy how come you didn’t attend the National Disaster Council meeting siguro you’re not interested gayung sinabi niya na ayaw niya ng maulit iyong Ondoy.”

Bagama’t sinagot ito ni Valte na “mam, underspending was due to review of contracts and bidding process.”

Ngunit iginiit ni Mitos na kung anim na buwan lamang ang pag-aayos ng bidding process ay dapat aniya noon pang January natapos ang anti-clogging project ng gobyerno.

“Dapat kung six months dapat nung January nag-implement na kayo ng flood control projects and by now sana tapos na yung flood control project hindi na sana tayo binaha ng ganung scale.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply