Magtiyahin pinatay, itinago pa sa freezer

NAGSASAGAWA ng manhunt operation ang awtoridad para madakip ang driver na hinihinalang pumatay sa isang magtiyahin at itinago pa ang mga bangkay loob ng freezer sa San Pablo, Laguna.

Kinilala ni Laguna police director Senior Superintendent Gilbert Cruz ang mga biktima na sina Leticia Lupian at ang kanyang pamangkin na si Vilma Bandilao, 23.

Ang mga biktima na kapwa tubong Bohol ay nadiskubre dakong 6:52 Miyerkoles ng gabi sa kanilang bahay sa Mariflor Subdivision, Barangay Del Remedio, San Pablo City.

Batay sa report, naghinala na ang tagapangalaga ng bahay dahil apat na araw nang hindi lumalabas ng bahay ang magtiyahin.

“Naghinala na yung caretaker dahil mula pa noong Linggo, apat na araw na hindi lumalabas yung [dalawa] kahit naiwang nakabukas ang kanilang radyo,” batay sa pahayag ni Supt, Cruz.

Humingi na ng tulong ang tagapangalaga sa mga opisyal ng barangay at pulis na pumasok sa loob ng tahanan at natuklasan ang mga bangkay ng biktima na nasa loob na ng freezer.

Ang pagkakadiskubre sa bangkay ng mga biktima ay kasabay ng pagkakawala ng kanilang driver na kinilalang si Ben Fajardo Corpuz, pati na ang Toyota Lucida Van na posibleng ginamit sa pagtakas nito.

Posibleng pagnanakaw ang motibo sa naturang pamamaslang dahil nawawala ang perang nagkakahalaga ng P50,000 sa bahay ng mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply