Maguindanao massacre at absuwelto si Ex Gob. Reyes

PINAYAGAN na ng Korte Suprema ang media na matunghayan nang todo ang paglilitis sa Maguindanao massacre.

Pero ngayon pa lang ay may umaatungal na.

Kasi ang maaaprubahan na istasyon ng telebisyon, radio o anomang may pang-live broadcast ay kailangang hindi kumurap mula sa simula hanggang sa katapusan.

Yun bang — mula sa kung kailan effective ang desisyon hanggang sa promulgasyon o pagbaba ng desisyon ng Regional Trial Court.

Walang kome-komersiyal, walang pahi-pahinga. At kung susundin ng mata sa mata at ngipin sa ngipin ang desisyon ng korte, kahit may peste pa sa Korte Suprema, Malakanyang at Kongreso, dapat ang paglilitis lang ang i-broadcast ng media nang live.

Tiyak na may magrereklamo rito at maaaring magkaroon ng second o dagdag pang round sa desisyon. Nangyari na ito sa kaso ng 16 munisipyo na gustong maging lungsod. Ilang beses din na sumirko ang Korte Suprema sa desisyon nito.

oOo

Baka ang ending nito, mga Bro, ay kalungkutan.

At lalong magiging malungkot ang buhay ng mga batang media dahil pinapasok na sila ngayon sa kanilang mga istasyon saka pinupukpok ng mikropono. Nangyari ito kay Jerome Tabanganay ng dzRK Radyo ng Bayan-Kalinga. Pinasok at pinukpok siya ng mikropono ni Kalinga Gov. Jocel Baac.

Si Romy Olea, brodkaster ng DWEB-FM sa Nabua, Camarines Sur ay inambus naman ng riding in tandem habang nagmomotorsiklo papunta sa kanyang trabaho. May nagmalasakit naman kay Romy at itinakbo siya sa ospital ngunit makaraan ang isang oras ay binawian din ito ng buhay.

Makaraan ang mga pangyayari at makapagdemanda na ang mga naulila ng mediamen, magugulat ka na lang sa desisyon ng Department of Justice o mga hukuman. Gaya na lang sa kaso ni Gerry Ortega na pinatay sa Palawan. Pinalalabas ng DOJ na walang nag-utos sa pumatay kay Ortega at mga kamoteng kasama lang ng triggerman ang sinampahan ng kaso.

Tsk! Tsk! Tsk! DOJ Sec. Leila de Lima, totoo ho bang isa kayo sa election lawyer ni ex-Gov. Joel Reyes?

Nagtatanong lang po!

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM radio tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply