Maguindanao massacre trial, ‘wag kainipan

MULING nakiusap ang Malakanyang sa publiko na maging mapagpasensya sa pagdinig sa usapin ng Nov. 23, 2009 Maguindanao Massacre, makaraang umani ng pagbatikos sa mabagal na usad ng kaso.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ginagawa ng Executive Department ang lahat para mapabilis ang kaso pero wala umanong silang magawa kundi sundin ang nararapat na pamamaraan na naaayon sa panuntunan ng batas.

“We are doing our part in the prosecution. May sinusundan tayong rules of procedure sa paglitis ng kaso. Hindi lang ito ang kasong mabagal ang usad. Maraming kasong nakabinbin na ang tagal hindi umuusad,” pahayag ni Valte.

Sa talaan umabot sa 58 katao ang napatay sa tinagurian ring Ampatuan town massacre, 32 dito ang mga mamamahayag, umabot na sa dalawang taon mula nang maganap ang insidente pero hindi lahat ng akusado ay binasahan ng kaso, ang iba sa kanila ay hindi pa nadarakip.

Sinabi ni Valte, ang pamahalaan ay hindi nagpapabaya at patuloy na binabantayan ang progreso sa kinalabasan ng usapin tuwing dinidinig ang kaso.

“Hindi lang tayo nag-aabang sa tinatakbo ng kaso, buong mundo nakatingin. Hopefully mas umusad nang mas mabilis ang paglitis sa kaso,” ani Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply