Magulang na nagpapalimos ng anak ikukulong

KULUNGAN ang naghihintay sa mga magulang na hahayaan ang mga anak na mamalimos o pumasok sa prostitusyon.

Ito ang nakapaloob  sa House Bill 4555  ni Rep. Carlo Lopez (2nd district,Minila) na nagsusulong na maaari nang sampahan ng kasong kriminal ang magulang o guardian ng isang bata sa sandaling pumayag itong  mamalimos o pumasok sa prostitusyon.

Ang HB 4555 o tatawaging “Parental Sanction Law for Child Begging and Prostitution” ay naglalayong maparusahan sa pamamagitan ng pagkakakulong ang mga magulang, adopter, guards o taong nag-aalaga o nagsa-substitute sa tungkulin ng isang magulang sa bata na mahuhuling ginagawa ang mga nabanggit na ilegal na gawain.

Mas mataas ng isang degree ang parusa sa sandaling ang biktima ay mas mababa sa edad na 21 taong gulang.

Ipinaliwanag  ni Lopez na ang pamilya ng bata ang dapat na sumagot sa pangunahing responsibilidad at pangangailangan ng isang bata upang mapalaki at hindi upang maging pulubi o child prostitute kundi responsable at produktibong mamamayan ng bansa.

Nakasaad sa panukala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naatasang magpatupad ng kaukulang rules and regulations para sa epektibong implementasyon ng nasabing panukala.

Igiiit pa ni Lopez na maitaas ang dignidad ng batas gayundin ang kanilang mga magulang na maaari namang palakihin, alagaan at mahalin ang kanilang mga anak ng walang eksploytasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply