Bilang ng mahihirap lumobo sa Aquino admin

BUKOD sa tumaas ang bilang ng mahihirap sa bansa ay naging mas miserable rin sila sa unang taon ng pamumuno sa bansa ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Neil Ambion, media liaison officer ng Anakpawis party-list group, na wala pang nagagawa si Pangulong Aquino upang mabawasan ang kahirapan magmula nang maupo ito sa Malakanyang.

Mas nadagdagan pa aniya ang bilang ng mga pamilyang nagugutom bunsod ng mga patung-patong na pahirap ng gobyerno sa mga mamamayan.

Dahil dito, magsasagawa ng noise barrage gamit ang mga kaldero ang militanteng grupo sa iba’t ibang lugar sa Lungsod Quezon upang umano’y gisingin ang natutulog na gobyerno.

Mag-iikot din ang grupo sa mga barangay, kabilang ang Krus na Ligas sa Libis, Commonwealth, Litex Rd., Manggahan at Talipapa upang hikayatin ang publiko na lumabas ng kanilang bahay at makiisa upang kalampagin ang gobyernong Aquino na kumilos at tulungan ang nagugutom na sambayanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply